Marvin at Matet

Dalawang mukha ng pag-ibig sa iisang istorya.

Una, ang lalaking hindi makalimutan ang babae sa kanyang nakaraan at ang

Pangalawa, ang Babaeng pinangakuan ng magandang bukas ng isang lalaking minsan nya ng inibig.

Si Matet ay maiituturing na isang hopeless romantic, hindi sya masyadong sexy ngunit napakabait na babae; hindi man masyadong hubog ngunit ito ay may talinong hindi maiitatanggi. Si Marvin naman ay larawan ng isang lalaking hindi makagalaw sa sarili niyang mundo sa pananatili ng sugat sa kanyang puso mula sa kanyang relasyong baon na ng nakaraan.

Isang sosyalerang kolehiyala sa isang sikat na unibersidad si Matet samantalang si Marvin ay isang working student na nagpapart-time sa isang coffee shop malapit sa pamantasang kanyang pinapasukan. Madalas magpunta dito si Matet at minsan nama’y grupo sila ng kababaihan. Sa tuwing pumupunta dito si Matet ay nakakapagrerelax siya at napapaisip sa mga pangakong naging bato na lang sa kanyang isipan. Si Matet ay tagong-tago sa kahapisan sa kanyang mukha na natatbunan ng isang magandang ngiti, but still hindi nya pa rin makalimutan ang babaeng minsa’y nagpatibok ng kanyang puso. Laging nagkikita ang dalawa halos araw-araw na nga eh-ang isa ay para masubukang makamove-on at ang isa nama’y para sariwain ang nakaraan. Minsan nang nagkakilala ang dalawa at kapwa parang isang tipikal na magkaibigan sa una at habang tumatagal ay medyo nagkaroon na sila ng intimacy sa isat isa

Lalo pa itong nadagdagan nung minsan ay maiwan niya ang wallet at buti nalang si Marvin ang naka duty sa coffee shop at isinoli kay Matet. Simula ng araw na yun ay mas naging magaan ang loob niya kay Marvin at eto namang si Marvin ay iba na ang tignin kay Matet parang isang anghel na bumaba sa lupa upang ayusin ang mga sirang spare parts sa puso ni Marvin.

Q: KUNG IKAW ANG WRITER PAANO MO TATAPUSIN ANG ISTORYA?

Advertisements
  • Calendar

    • October 2017
      M T W T F S S
      « Jan    
       1
      2345678
      9101112131415
      16171819202122
      23242526272829
      3031  
  • Search