“Alay Ko sa’yo”

Kamusta ka, Kaibigan ko?
Ano na ba mga balita sa iyo?
Marahil katulad din sa aking
sarili
Masaya, malungkot at may mga
di inaasahang pangyayari.
Taong 2007 ay lumipas na,
Maraming gustong kalimutan at
balikan.
Karanasang nagpabago,
nagpatatag at nagpasaya
Tanong ko lang ngayon: Sa
taong 2008, handa ka na ba?
Ako? Sasagot ako ng “Oo
naman!”
Sapagkat alam kong di mo ako
papabayaan.
Salamat sa aking pamilya at sa
Iyo, kaibigang totoo,
Dahil sa gabay at pagmamahal
mo ako’y nanatiling narito.
Hiling ko din na Ika’y maging
handa
Sa ‘ming panibagong sumbong
at mga”sana”
Patuloy mong pagpapatawad at
biyaya,
Yan ang lubos na sa amin ay
makapagpaligaya.
Kasama na kita mula pa
pagkabata ko,
Lumaki akong may pananalig sa
Iyo
lahat ng pagsubok ay
nalampasan,
‘Pagkat ako ay hindi mo iniwan.
Kaya itong tulang nagmula sa
aking puso,
Ay simpleng pasasalamat
para sa Iyo.
Sa lahat ng lakas ko sa Iyo
nagmula,
Ay tanda ng pagmamahal mo ay
di mawawala.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s